BuTi NaLaNg ...

Saturday, April 30, 2005

AnG HoNeY kO aT aNg BaGuIo

I miss my honey. We were supposed to have a date after office today but he and his family went to Baguio. They left early this morning. Sayang! Maga-ice skating pa naman kami. Instead of feeling bad, I feel happy. Natutuwa talaga ako. Eh pano ba naman kasi, it’s his first time to be in Baguio. we he he! Okay narin yun. Kawawa naman honey ko kung pipigilan ko pa. I told him to make a wish once he arrives there (di ba ganun daw yun?) and not to talk to strangers. Baka kasi masyadong malibang eh kung saan-saan magpupupunta. By this time, I think their still on their way to Baguio. They took two bus rides. One is from Manila to Urdaneta then the other bus is from Urdaneta to Baguio. I’m waiting for another text message from him.
Ito ang pinaka-mahigpit na bilin ng honey ko " Hon behave and uwi maaga..." He surely knows me. he he... hindi naman siguro bad kung manonood ako ng sine with my friends mamayang uwian. hhhmmmm...

Thursday, April 28, 2005

HiKbi

I feel sad today.
Tomorrow, Mumay won’t be with me in the office anymore…
Haayyy… I’ll be left out. Kakalungkot naman.
Huwaaaaahhhhh!

Di bale (singhot!) nandito naman yung kambal. ( E & E )
Tapos, konting saglit nalang, pupunta narin dito

sina Fluffy, ‘te meh and ms. Leigh.

Tuesday, April 26, 2005

WhAt GoEs aROuNd, cOmES aRoUnD

Past 9am,while I was staring at the pc monitor in my workstation, Lyndon (officemate) suddenly called my attention. “Meg, may naghahanap sa’yo. Yung kalbo sa labas. Siya daw yung nag-alaga sa’yo nung bata ka..” With a blank face, I went to the entrance door and saw an unfamiliar man. I thought “Sino to? Ah… si ano… Sino nga ba yun? Si … si …”. He smiled at me and said “Ikaw pala yun. Kaibigan ako ng daddy mo. Ako yung nag-alaga sa’yo nung maliit ka” I smiled at him while I was trying to remember his name. “Ako si Yabut.” Whew! It’s good that he reminded me. “Ay! Oo nga. Hello. Kamusta ka na? Naaalala pa kita…” and so on. He has changed from a cute bad boy to a matured, full of smiles guy who has a noticeably thin hair on top of his head. He had so many experiences to share. From a naughty teenager, babaero and kanto boy in Pasay City, he’s now an employee of our sister company. He now has a wife and a 15-year-old daughter who’s doing quite all right. He’s a proud daddy of a maneuvers & trumpets dancer who is soon to be a college student of La Salle or University of the Philippines . Kuya Yabut had been to different countries. Imagine, yung dating pa-jeep jeep lang na taga-kanto eh may tsikot na ngayon. Yung dating nakatira lang sa barung-barong na kapitbahay namin, ngayon ay may magandang bahay na. (Huh! Barung-barong din yung bahay namin noon.) We talked for about 30 minutes. We looked back on my childhood days, on our humble community 14 years ago, our friendly and cool neighbors, his mother Aling Nena who used to scold me due to my kakulitan (ha ha!), my dad (whom he calls Kuya Amado ) and our current lives. Time flies so fast. Namalayan ko nalang na tumatayo na siya to say goodbye. We exchanged contact numbers. Ito pang malupit. Sabi nya sa’kin “Maitim ka parin ngayon” (grrr!!!) “Medyo pumuti na’ko kaso nag-swimming lang ako” I defended. I thanked him for sharing his story. I was truly encouraged. “Bah! Kung kaya nya, I’m sure na makakaya rin namin ng honey ko, ng family ko, ni myra (a good friend)…” I accompanied him to the elevator and waved goodbye. Hanggang ngayon, sa harap ng pc, nakangiti parin ako pag naaalala ko sya.

Monday, April 25, 2005

HE loves me!

minsan, dumarating talaga sa buhay ko yung sobrang kalungkutan o kaya inis, kaya nadadamay lahat ng mga ginagawa ko pati yung mga taong nasa paligid ko. as in badtrip talaga. para sa'kin, hindi magandang pagkakataon yun pero feeling ko para kay GOD, challenge yun para iparamdam NYA yung presensya NYA. paano? He tells me that He's there for me by using other people to comfort me. tulad nito:
1. chocolate - dalawang tao na ang nagbigay sa'kin nito, sa magkaibang pagkakataon, nung sobrang lungkot ko. yung isa in a form of chocolate bar, basta inabot nalang nya. yung isa naman, unusual talaga. nag-overtime kasi ako sa office nun tapos yung janitress sa office, binigyan ako ng hot chocolate sa cup. na-touch talaga ako.
2. ulan - paghumihingi ako ng sign, isa ito sa mga pinaparating ni GOD.
3. angel - naniniwala ka ba dun? ako naniniwala ako na yung angel ko laging nagpapanggap na driver. college pa'ko nun, bumabagyo at baha, may pedicab driver na nagsakay sa'kin, sa classmate ko at kay maries (to think na ayaw nang bumyahe nung iba). hindi sya actually nagdrive, nagtulak lang sya, dalawa sila ni maries, hanggang makarating kami sa blumentritt. imagine, basang-basa silang dalawa pero nakangiti parin. buti nalang nandun sya.pagod narin kasi kami kalalakad eh/ another, kakatapos lang ng ulan nun, maries and i decided to walk kasi wala ngang masakyan at gabi na. we got ourselves into a place na dead-end na pala. hindi na kami makabalik sa pinanggalingan namin kasi trapped na kami sa baha na may kahalong mga langis. madilim pa.medyo isolated yung lugar pero bigla nalang may dumating na tricycle sa tapat namin at isinakay kami./ higschool, walking distance lang yung school, madaling araw palang naglalakad na'ko mag-isa. syempre may kahalong dasal yun na sana may makasabay ako. lagi naman, may tricycle din akong nakakasalubong para bigyan ng ilaw yung dinadaanan ko.
4. si maries - i feel so blessed. may "feelings" detector yata tong taong to. lagi nalang kapag malungkot ako, lagi nya akong pinapasaya at binibigyan ng lakas ng loob. sa kanya ko lang na-feel na bukod sa'kin, may isa pang taong nagmamahal at tumatanggap ng buong puso sa pamilya ko at sa akin. I love this guy!
marahil maraming mababawan sa lahat ng ito. oks lang. blog ko naman 'to eh. he he. "Each day of my life, I'll always be thankful to GOD." sana manatiling bukas ang puso,isip at kaluluwa ko para makita at maramdaman araw-araw kung gaano ako kamahal ng DIYOS.

Saturday, April 23, 2005

i love you sabado

Thank God , I’ve survived another week at Cic. Kahit na hindi pa rest day, para sa’kin rest day narin kasi balik na naman ako sa 9th floor. Kahit na walong oras lang ang office hours, sulit na sulit na’ko dun. Sobrang saya kasi kasama ko na naman ang mga friends ko. Medyo badtrip nga lang ng konti kasi halos kalahating araw kong in-update itong blog ko pero hindi ko masyadong napaganda. Sabi nga sa’kin ni kateh, okay rin ang blog kasi kahit malayo yung mga friends mo, updated ka parin sa kanila. Sabi ko naman, (may buntong hininga) siguro, yung blog ko forever nang ganun. Yung entries lang ang maa-update pero hindi yung template. Kainis! But I’ll do my best to improve my own blog. Unti – unti … (lunok…)

mahirap mag-edit ng template

huwaaahhhh!!!

Wednesday, April 20, 2005

Pangungulila

Bakit kaya ganun? Every time na happy ka, as in yung sobrang saya to the tenth power, lagi nalang may kasamang lungkot sa bandang huli. Minsan nga naisip ko, hindi kaya part talaga yun nang buhay para lang ma-appreciate mo yung happiness and fulfillment na nadama mo nung time na yun. Kasi naman ang tao (guilty ako) minsan hindi marunong mag-thank you at tumanaw ng utang na loob. Kaya tuloy medyo binibigyan ng leksyon.

Naisip ko nga yung mga kaibigan kong babae (dose kaming lahat isama mo na yung isang pa-girl), sobrang saya nang samahan namin pero dumating yung time na nagkahiwa-hiwalay kami. Nakakalungkot kasi kahit na alam mong friends parin kayo, iba parin yung nagkikita kayo lagi at nagkukwentuhan. Namimiss ko na yung sabay-sabay na paglulunch, pagtuturbo notes, pagbubulungan na dinig rin naman at yung kulitan (isama mo na yung sapilitan naming page-english mula alas-otso hanggang alas-diez ng umaga). Namimiss ko na yung samahan na kusa nalang pinagtibay ng pinaghalo-halong interes, istorya ng buhay at kalokohan (kadalasan). Ngayon, magkakahiwalay na kami. Sino kaya sa grupo naming ang walang utang na loob at hindi marunong mag-appreciate?! Yan tuloy, binigyan ng leksyon at nalungkot kaming lahat. Sana ma-terminate na sya kung sino man sya. (joke lang)

Isa lang ang ipinagpapasalamat ko… sa mundong ito, walang bagay na permanente. Kung may lungkot man o paghihiwalay, naniniwala ako na magiging maayos at mababago rin ang lahat. Balang araw, magkakasama at sasaya rin muli kami pero sa pagkakataong iyon, sinisigurado kong bawat minuto o segundo ay maa-appreciate at ipagpapasalamat ko. Hay...i miss my friends.

Thursday, April 14, 2005

first entry

wala lang.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)