Namimiss Ko Na ...
Si PuToL ...Isang asong askal na putol ang buntot na lumaki at tumanda na kasabay namin
Isang maamo at mabait na kaibigan na kahit anong oras ako dumating sa bahay, sumasalubong parin sa'akin ... na masayang masaya
Para bang ilang taon kaming hindi nagkita at miss na miss nya ako tuwing nagkikita kami
Si Putol na iiyak nalang kapag pinapalo ni lola (dahil napagbintangang nangaway ng ibang aso)
Na minsan ay lampa dahil nalalaglag pa sa hagdan kahit na apat ang paa
Na sisilip lang sa pintuan ng bahay pero hindi naman papasok kasi mas gusto nya sa labas
Na gusto pang sinusubuan pag pinakakain ng pandesal
Na natuto nalang maligo nung matanda na sya
Na ayaw magpahawak ng ilong pero walang magawa kapag napapagtripan ko
Isang espesyal na bahagi ng buhay namin ...
Isang mapagmahal na kaibigan ...
Sayang at hindi na namin sya makakasama... Hindi man lang namin naipagtanggol nung gabing masagasaan sya ... Para nga akong tanga! Iyak ng iyak sa isang aso ... Nanghihinayang dahil wala naman syang sakit tapos ganun lang ang mangyayari. Nagising nalang kami na wala na syang buhay. Hindi ko sya makakalimutan. Ilang araw na ang lumipas nung mawala sya pero nami-miss ko parin sya ; (
2 comment(s):
:(
nalungkot naman ako.
nakikiramay ako sa pagkawala ni putol. tunay nga shang mabait na aso.. di nya ako kinagat nung nagkita kami.
eh di malungkot din si bilo?
By
jk, at
1:27 PM
:(
nalungkot naman ako.
nakikiramay ako sa pagkawala ni putol. tunay nga shang mabait na aso.. di nya ako kinagat nung nagkita kami.
eh di malungkot din si bilo?
By
jk, at
1:27 PM
Post a comment
<< Home