MaSarAp maNgAraP
Marami akong gustong gawin sa ngayon pero dahil hindi naman ako masyadong nagmamay-ari ng ganoong yaman (syempre may ibang mas mahalang dapat i-consider sa budget), ng panahon din siguro at ng sobrang as in "at maximum level" na interes para gawin yun... eh wala lang... dinadaan ko nalang muna sa pangarap. Wala namang masama eh.
eto ang mga gusto kong bilihin:
paintings
center table
throw pillows
pillow cases
ethnic na curtain (yung tipong kapis or kawayan)
digital camera
sandals
damit tulad ng girly blouse at khaki pants
bed
magazine, dapat yung real living
cook book
eto ang mga gusto kong gawin:
mag-gym
mag-badminton
pagandahin ang bahay namin
mag-ice skating
mag-aral magluto
mag-negosyo ( sana kaya kong i-franchise yung fruitas or plato wraps )
magtayo nalang kaya ng sarili kong gift shop
mag-ipon
magblend ng lahat ng prutas na pwedeng iikot ng blender namin
mag-aral mag-type ng mabilis
tapusin ang pagbabasa ng chronicles of narnia at seven habits
gumawa ng magandang essay or tula or painting kaya
mag-alaga ng aso
libutin ang Pilipinas kasama ang pamilya ko
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sabi nga ni Pinky nung binabasa nya ito, simple lang daw akong tao.
Sabi ko naman "ang babaw nga eh..."
alam ko naman na pwedeng ma-achieve ang lahat ng ito.
ang kailangan ko lang ngayon ay magplano
ng maayos para isa-isa kong tuparin lahat ito ; )
2 comment(s):
at dahil mahal kita... sagot ko na cookbook. :)
next week.
By
jk, at
3:13 PM
wow! thanks kateh. wag mong kukulayan yung cookbook ha. hehehe...
By
maries & melody, at
3:13 PM
Post a comment
<< Home