BuTi NaLaNg ...

Monday, February 13, 2006

StArbUckS - FeBruArY 9, 2006



Ito ang advance celebration namin ng valentines day.

Monday, February 06, 2006

PaNgArAp

Mahirap palang maghintay sa isang pangarap na hindi mo alam kung kelan darating o kelan mo makakamtan. Kung sabagay, kahit noon pa man nung bata pa ako, nasanay narin naman akong maghintay hanggang sa nainip na'ko...gumawa ng paraan para matunton ko ang kasagutan sa lahat at nagtagumpay naman ako...pero iba yung sitwasyon ngayon. Hindi ito yung tipong paggising mo sa umaga, mararamdaman mo yung labis na kagustuhang makamit yun kaya gagawa ka ng paraan, kikilos ka at hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha, hanggang sa andyan na, mahahawakan mo na dahil gumawa ka ng paraan.
Hindi ko mapigilan na malungkot lalo na't hindi ko alam kung ano ang kasagutan sa pangarap na ito. Kung minsan, inip na inip na ako ngunit may isang bahagi sa puso ko na nagsasabing maghintay lang ako. Gusto kong maghintay. Gustong gusto kong maghintay hanggang sa makamtan ko yung tanging bagay na labis kong inaasam ngayon. Kung darating sa buhay ko ang pagkakataong matupad ang pangarap na iyon, ako na ang pinaka-masayang tao sa buong mundo. Kung dumating man iyon sa buhay ko, iingatan ko nang buong pagmamahal. Sana malapit na.

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)