BuTi NaLaNg ...

Saturday, March 11, 2006

AkaLaiN mO yUn... BusY na KaMi

Ang daming naka-schedule na activities ng mga trainers ngayon (kami yon). Medyo nakakalunod ng konti pero kung maha-handle talagang mabuti ng bawat isa sa amin, i'm sure na marami kaming matututunan.
Ito ang ilan sa mga activities na naka-schedule:
1. group review of use case (every 2pm/ 1-3hrs / once a week)
kailangan naming gumawa ng mga presmat bago ito i-present. medyo mahirap ito lalo na sa iba pero malaki ang maitutulong nito dahil kumbaga nare-review narin kami tungkol sa mga use case.
2. game based activities (every 10am/ 30mins-1hr/ every wednesday)
ang bawat grupo sa amin ay magpe-present ng iba't ibang ice breakers & games na pwede rin naming magamit "in the future" sa mga participants namin kapag nasa actual training na kami.
3. table topics (every 8:15-9am/ 45mins/ every m/w/f)
nakakahawig ito sa impromptu speaking habang merong group sharing. gagawin namin ito habang nagbebreakfast. may mga bubunutin na tanong at kailangang sagutin yun ng makakabunot.
4. updates on meetings (extemporaneous - 3-10 mins)
basta ang usapan dito, after ng table topics, magsasalita sa harap ang magbibigay ng update tungkol sa meeting na dinaluhan nila. ang challenge, dapat ay english ang gagamitin na language.
5. learning sessions (month of april)
may mga presentors na naka-assign per topic. the topics are personality development, change management, advance excel, flash powerpoint, Cip Kaizen and 5s. i'm sure na marami kaming matututunan dito.
6. sharing of ideas in the bulletin board (1 person per week)
ito ang isa sa pinaka-paborito ko kasi bawat isa sa amin ay mabibigyan ng pagkakataon na sarilinin ang isang bahagi ng bulletin board at paganahin ang aming creativity. anything goes ang tema kaya kahit ano pwede mong i-post gaya ng tips, tula, essay, stories at kung anu-ano pang kuru-kuro na syempre dapat may sense at interesting.
7. team building (once a month)
ayos to. ito ang pinaka-magaan sa lahat dahil magkakaroon kami ng time para sa aming mga sarili.
ito ang mga plano:
april - badminton
may - swimming
june - rapelling/rock climbing/ paintball
july - bowling
august - dancing
september - comedy bar
october - poetry reading/ acting workshop
november - enchanted kingdom
december - christmas party
8. reading & book review (2 persons per month/ 1 book per person)
isa ito sa pinakamalaking challenge sa pagiging isang trainer ko dahil hindi ako masyadong mahilig magbasa ng libro. kailangan naming unawain ang librong babasahin namin at ipe-present ito sa buong grupo sa kahit anong paraan na gusto namin. it can be thru powerpoint presentation, games or anything that will show our presentation/platform skills. since kailangan lang naming pumili ng title ng book sa listahan, ang pinili ko ay "creating life ni sylvia ann hewlett" pero hindi ko pa alam kung tungkol saan yun. nung hiniram ko na yung libro sa super learning (mini library sa company namin), natuwa akong bigla dahil mukhang tumutugma sa akin yung libro. it's all about professional women and their quest for children. bagay na bagay ito sa akin lalo na't nagsisimula palang din kami ng bagong pamilya ng honey ko.

Image hosting by Photobucket

isa lang ang masasabi ko "goodluck sa aming lahat". sana ay hindi maging drawing lang ang mga bagay na ito at sana rin ay mabalanse namin ang aming mga iskeydyul. yun lang ; )

Friday, March 03, 2006

A mOmEnT tO reMemBer



Umaga palang, sinabi ko na sa sarili ko na kapag natapos na ang exam ay magse-celebrate ako mamayang gabi. Masakit kasi sa ulo ang magreview kaya it's time for me to reward myself. Kaya pag-uwi ko ng bahay, isinalang ko agad sa DVD ang "A Moment to Remember". Nangako kasi ako kay Kateh na panonoorin ko agad ito kaya kahit na alam kong may darating na bisita si Maries, hinayaan ko syang mag-asikaso sa kusina at magluto ng chicken tocino, fried chicken at chicken balls ( hindi rin kami mahilig sa chicken he he he... ).


A Moment To Remember

Hindi ko natapos yung panonood ko ng "A moment..." dahil dumating na nga ang mga bisita ( rex & rosette ) kaya pinanood muna namin yung "Honey". In fairness, masarap yung niluto ni Maries lalo na yung fried chicken kahit na medyo kasing tigas ng goma yung chicken tocino ( hehe... )

Ang ganda nung "Honey" na movie. Maaksyon. Puro sayaw kaya hindi ako nainip habang pinanood ko. Ang sexy ni Jessica Alba at ang cool magsayaw. Wish ko lang ganun din ako pero sa ngayon, kakayanin ko nalang ang magsayaw tuwing christmas party with the "emmanuel singers" ; )

Ipinagpatuloy ko yung panonood nung "A Moment to Remember" hanggang hatinggabi. Isa lang ang masasabi ko, ang bigat sa dibdib! Sobrang nakakaiyak at saka pagdadrama ko ay humihikbi talaga ako sa harap ng tv habang si Maries naman ay abalang abala sa paglalaro ng NBA live sa pc.

Naisip ko nga, nakakalungkot kung mangyayari sa akin o isa sa mga mahal ko sa buhay ang nangyari sa pelikula. Kaya bigla ko ring naalala ang blog ko. Kailangang i-update ko ito lagi para maisulat ko ang mga importanteng pangyayari sa aking buhay para naman mairecord ko ang mga magagandang alaala sa aking buhay.

Inirerekumenda ko ito na panoorin ng mga pips dahil may matututunan silang aral... " habang ikaw ay malakas at nabubuhay, sabihin at ipadama mo ang iyong pagmamahal "

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)