LaDy GuArD : " MiSs TiNuLaK kA bA?"
Tinanghali ako ng gising kanina.Pagbangon ko, aba! 5:15 am na. Kaya dali-dali akong nagbihis at nakaalis ako ng 6:00 am. alas otcho kasi ang pasok ko eh.Akala ko solve na'ko dun nang biglang ...charraaaannnn!!! ang haba ng pila sa sakayan ng fx papuntang monumento. Medyo okay pa nga nung una kasi pang-sampu ako.sabi ko, ayos to.Sampu lang din naman ang capacity ng fx.Nung dumating ang fx, tapos! may isa na agad pasahero sa harap. So naiwan ako. Atleast, ako na ngayon ang una sa pila.
Para bumilis ang kwento, nakarating na'ko sa monumento.Mga 7:45am na.Eh alam ng lahat ng tao sa maynila na sira ang line 1 ng LRT kaya sobrang bagal nito.So pagbaba ng fx, karipas na'ko ng lakad (parang takbo narin).Kaliwa, kanan, zig-zag ... basta may masisingitan sa daan, overtake ako ng overtake.he he! So feeling ko ang bilis-bilis ko.
So eto na, nakaakyat na'ko sa LRT at may nakahintong tren.Medyo nagmabagal ako ng lakad dahil sabi ko, puno na ang tren.Pumila ako sa kuhanan ng mga libreng dyaryo eh natambakan ako ng mga guys, kaya hindi na'ko nakisingit sa pagkuha ng dyaryo.Nung paalis na'ko, may nakita akong girl na tumatakbo papuntang tren.Na-carried away ako.Tumakbo rin ako dahil napansin kong hindi pa umaandar ang tren.
Tiiit - tiiiittttt!!!! Warning buzzer na'po. Pero deadma ang lola mo.Wooosshhhh!!! takbo parin ako papunta sa last or second to the last door na pang kababaihan lamang.May babagal-bagal na girl na pumapasok sa pinto.Naisip ko syang itulak para makapasok ako.Nagtagumpay naman ako. Naitulak ko sya sa loob ng tren pero nabigo ako sa isang banda. Hindi ako nakatapak sa tren.Blag! kung pwede lang umiyak ang singit ko that time, siguro ngumawa na ng ngumawa yun.Kaybilis ng mga pangyayari.Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa mas mababang level.Sumuot yung kaliwang hita ko sa butas sa pagitan ng LRT at sahig.Yung kanang hita at binti naman ay napaluhod o napasalampak ng biglaan sa sahig.So para akong balerina na nakasuot sa gilid ng LRT.
Tiiit-tiiiiiiiiiiiittttttt! this time, nakatingin na'ko sa kaliwang braso ko na maiipit na ng pinto ng LRT. Para akong engot na sumisigaw ng "Manong! Manong! Teka lang po. Maiipit ako!" Mabilis din akong mag-isip.Inipit ko yung bag ko sa pintuan ng LRT para hindi sumara.Imagine, habang nakasuot yung hita ko sa butas, nakikipagsapalaran ako sa pinto ng LRT.
Nagtagumpay ako.Bumukas uli ang pinto ng LRT.wa ha hah! So, taas noo este yukong noo akong tumayo. Nakalimutan ko na kung may umalalay sa akin eh. Papasok pa sana ako sa LRT kaso yung shoes ko, nalaglag sa riles. Parang nagpaparinig pa nga yung announcer eh."Inuulit ko po,warning buzzer na po yan...etc". So umandar na ang tren at iniwan akong sugatan. haaayyy... Lumapit sa'kin yung lady guard at tinanong (refer to the title). Napangiti lang ako. Yung isang lalaking guard naman, pinulot at hinagis yung sapatos ko sa'kin.
Isang malaking pasa sa kaliwang tuhod at isang masakit na sugat sa kanang binti.Aruy! Pagpasok ko sa sumunod na LRT, nanginginig parin ang tuhod ko. Eto pa, nagsumiksik talaga ako malapit sa unahan para hindi makita ng mga taong saksi sa paglangoy ko sa tren ang mukha at uniform ko.Shaks! Gusto ko na talagang umiyak pero pinigilan ko lang. sabi ko sa sarili ko "Wag kang iiyak.Marami ka pang gagawing report sa office."Wawa naman ako.
Pero sobrang nagpapasalamat ako kasi buhay ako ngayon at buong buo.Naisip ko nga, paano nalang kung nakaladkad ako nung LRT? Hindi ko man lang nasabi mga taong mahal ko na mahalaga sila sa akin...Kaya eto, isang panibagong pananaw na naman ang iniwan sa'kin nung pangyayari sa LRT. Una, wag puro trabaho ang nasa isip.Pangalawa, sabihin sa mga mahal ko at ipadama ko sa kanila na mahal ko sila. Pangatlo, Wag tatanga-tanga. Pang-apat, wag pahirapan at pagurin ang sarili pag-late na dahil kahit na anong mangyari...wala namang deduction sa salary he he...Lastly, maging mabuting tao dahil anytime, pwede pala akong mawala sa mundo.