BuTi NaLaNg ...

Monday, February 28, 2011

Hele ni Lola

It’s been 7 months since lola passed away. Akala ko, naka-recover na’ko. Pero bakit ganun? Sa isang simpleng pangyayari sa buhay ko, mukha namang normal na nagyayari iyon, pero bigla nalang sumagi sa isip ko ang isang alaala na magkasabay na nagpalungkot at nagpasaya sa akin…

Mataas kasi ang lagnat ni Jonas kagabi. Epekto yon marahil ng ubo’t sipon pati narin pagdudumi nya. “Mommy hele! Mommy hele!” sabi ng kawawa kong anak. Sinusubukan ko syang ihiga sa kama pero umiiyak sya. Gusto nya, yakapin at ipaghele ko sya. Nung ipinaghele ko na sya, yumakap sya sa akin ng mahigpit. Saktong sakto, pagkayap nya, parang bigla nalang may luhang nangilid sa mata ko. Nung una, nangilid lang pero habang pinipigilan kong mag-isip, lalo namang umapaw yung luha ko .. hanggang sa di ko na napigilan …Sh#*t!!! Naalala ko bigla si Lola…

10 or 11 years old ako noon, ubo ako nang ubo… mataas din ang lagnat ko..madaling araw na, hind parin kami makapagpahinga ni lola… Sinubukan nya akong pahigain pero bumabangon parin ako dahil nahihirapan akong huminga dahil sa kaka-ubo. Habang nakapikit ako at nahihirapan … umiiyak naman si Lola. Sabi nya “ Diyos ko, sana ako nalang ang mahirapan...” Lahat na nang posisyon pinagawa nya sakin para lang makatulog ako hanggang sa nakita ko nalang ang sarili ko na nakakakuha na ng maginhawang pagtulog habang nakasandal sa pinagpatung-patong na unan ni Lola. Nakatulog ako ng nakaupo. Mahimbing na nakatulog habang puyat naman na nagbabantay sakin ang lola ko…Ang sikip sa dibdib kapag naaalala ko ang mga ganitong pag-aasikaso nya .. kasi miss na miss ko na sya …

Wala naman kasi akong masabihan noon nang “Mommy hele!” kasi hindi ako lumaking kasama ang mommy ko. May sarili na syang pamilya at malamang iba na ang tumatawag sa kanya ng Mommy. Kaya si Lola na ang naging mommy ko. Napakadakila nang pagmamahal nya… Alam ko, marami pang mga pangyayari sa buhay ko ang magpapa-alala sakin sa kanya. At lalong higit na magpaparamdam ng labis na pangungulila ko kay Lola.

Lola, kung nasan ka man, maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo sa’kin. Salamat dahil alam kong ipinaghehele mo parin ako sa mga pagkakataong nalulungkot ako at maraming iniisip na problema. Lola, Alam ko na magkikita rin tayo balang araw. Pero sa ngayon, gagampanan ko rin muna ang tungkulin ko bilang ina. Mahal na mahal kita. I miss you!

Labels:

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)