BuTi NaLaNg ...

Wednesday, April 20, 2005

Pangungulila

Bakit kaya ganun? Every time na happy ka, as in yung sobrang saya to the tenth power, lagi nalang may kasamang lungkot sa bandang huli. Minsan nga naisip ko, hindi kaya part talaga yun nang buhay para lang ma-appreciate mo yung happiness and fulfillment na nadama mo nung time na yun. Kasi naman ang tao (guilty ako) minsan hindi marunong mag-thank you at tumanaw ng utang na loob. Kaya tuloy medyo binibigyan ng leksyon.

Naisip ko nga yung mga kaibigan kong babae (dose kaming lahat isama mo na yung isang pa-girl), sobrang saya nang samahan namin pero dumating yung time na nagkahiwa-hiwalay kami. Nakakalungkot kasi kahit na alam mong friends parin kayo, iba parin yung nagkikita kayo lagi at nagkukwentuhan. Namimiss ko na yung sabay-sabay na paglulunch, pagtuturbo notes, pagbubulungan na dinig rin naman at yung kulitan (isama mo na yung sapilitan naming page-english mula alas-otso hanggang alas-diez ng umaga). Namimiss ko na yung samahan na kusa nalang pinagtibay ng pinaghalo-halong interes, istorya ng buhay at kalokohan (kadalasan). Ngayon, magkakahiwalay na kami. Sino kaya sa grupo naming ang walang utang na loob at hindi marunong mag-appreciate?! Yan tuloy, binigyan ng leksyon at nalungkot kaming lahat. Sana ma-terminate na sya kung sino man sya. (joke lang)

Isa lang ang ipinagpapasalamat ko… sa mundong ito, walang bagay na permanente. Kung may lungkot man o paghihiwalay, naniniwala ako na magiging maayos at mababago rin ang lahat. Balang araw, magkakasama at sasaya rin muli kami pero sa pagkakataong iyon, sinisigurado kong bawat minuto o segundo ay maa-appreciate at ipagpapasalamat ko. Hay...i miss my friends.

5 comment(s):

awww....
kami ba ung tinutukoy mo?
hehehehe....

kaya nga tuwang-tuwa ako pag sabado eh.. kasi magkakasama tayong lahat. =)

eniweys, bakit tinanggal mo ung pictures?

By Blogger jk, at 5:05 PM  

blessing talaga ang asmira. kahit nangyayari ang mga bagay na ito ngayon, i wouldn't feel as sad kung sa previous department ko ito nangyari.

mishu girls!

By Blogger Beej, at 11:26 AM  

isa lang ag masasabi ko...buti nalang may sabado ... april 23, 2005 - at least magkakasama- sama uli tayo. kateh, thanks sa blog ha. beej, ang ganda mo sa picture.

By Blogger maries & melody, at 1:22 PM  

sa picture lang?!!!!

By Blogger Beej, at 4:34 PM  

meg, ang ganda mo ren sa picture.... sa picture lang.
hehe

By Blogger jk, at 6:31 PM  

Post a comment

<< Home

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)