BuTi NaLaNg ...

Saturday, May 27, 2006

SuNdAy na NamAn

Excited na akong gumising bukas dahil pupunta na naman kami sa Novaliches para makasama uli sila Lola, Mama, Bilo, ang mga kamag-anakan kong kapitbahay lang namin at pati narin si Putol (ang matapat naming aso). Sayang nga kasi hindi man lang makakasama si Maries dahil may duty parin sya sa office kahit Sunday. Haayy... Sana magluto si Mama ng pinakbet o kaya ng adobo o kaya ng kahit ano basta gusto ko lang matikman uli yung luto nya kasi masarap. Sana magising din ako ng maaga para hindi ako mabitin sa buong araw.

Friday, May 19, 2006

MaAganG BLooPerS

Nagmamadali na naman kasi akong pumasok kanina. So habang taas-noo akong naglalakad sa tapat ng Jollibee Tayuman, papunta na sana ako ng LRT, bigla nalang akong nadulas with matching pagwag-wag pa ng buhok. haaayyy naku! napa-"sshhhh----t" talaga ako sabay tayo at sabay lakad. May paglingon pa pala akong ginawa dahil tiningnan ko kung ano yung dahilan ng pagkadulas ko. Isa syang balat ng hilaw na mangga. At siguro dahil medyo napa-split yung left leg ko, nahati sa gitna yung balat ng mangga. Hindi naman masyadong malala ang pagkakadulas ko dahil kahit na naka-split yung left leg ko sa harapan, nakaluhod naman yung right leg. Yung isa ko namang kanang kamay ay naka-push sa lupa na parang runner na naghihintay ng go signal. Bloopers talaga. Hindi ko na inayos yung buhok ko, basta pagkatayo ko, dire-diretso nalang akong naglakad at umakyat sa hagdanan ng lrt. Feeling ko, nakita ako nung mga vendors at mga kumakain sa jollibee. Bahala sila. Ang mahalaga, 7:51 am ako nakarating sa office. Hindi ako late ; )

Thursday, May 18, 2006

MaSarAp maNgAraP

Marami akong gustong gawin sa ngayon pero dahil hindi naman ako masyadong nagmamay-ari ng ganoong yaman (syempre may ibang mas mahalang dapat i-consider sa budget), ng panahon din siguro at ng sobrang as in "at maximum level" na interes para gawin yun... eh wala lang... dinadaan ko nalang muna sa pangarap. Wala namang masama eh.
eto ang mga gusto kong bilihin:
paintings
center table
throw pillows
pillow cases
ethnic na curtain (yung tipong kapis or kawayan)
digital camera
sandals
damit tulad ng girly blouse at khaki pants
bed
magazine, dapat yung real living
cook book
eto ang mga gusto kong gawin:
mag-gym
mag-badminton
pagandahin ang bahay namin
mag-ice skating
mag-aral magluto
mag-negosyo ( sana kaya kong i-franchise yung fruitas or plato wraps )
magtayo nalang kaya ng sarili kong gift shop
mag-ipon
magblend ng lahat ng prutas na pwedeng iikot ng blender namin
mag-aral mag-type ng mabilis
tapusin ang pagbabasa ng chronicles of narnia at seven habits
gumawa ng magandang essay or tula or painting kaya
mag-alaga ng aso
libutin ang Pilipinas kasama ang pamilya ko
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sabi nga ni Pinky nung binabasa nya ito, simple lang daw akong tao.
Sabi ko naman "ang babaw nga eh..."
alam ko naman na pwedeng ma-achieve ang lahat ng ito.
ang kailangan ko lang ngayon ay magplano
ng maayos para isa-isa kong tuparin lahat ito ; )

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)