We'rE LeAviNg
eto na yun... nagsimula na kaming mag-turn over ng mga documents na hawak namin. nakakalungkot isipin na maghihiwalay na kaming lahat. mamimiss ko sila. mamimiss ko ang samahan namin. kung ano man ang naghihintay sa aming lahat, sana maganda yun. sana lahat kami magkaroon ng magandang trabaho. sana kahit na magkahiwalay na kaming lahat, kahit na kanya-kanya na, sana ganun parin ang samahan kapag nagkita-kita kami uli.
kanina, pinanood namin yung ginawa ni jhake para sa grupo. habang pina-flash yung pictures ng grupo, tinutugtog yung through the years. nalungkot ako pero dinadaan nalang sa biro. pa'no, medyo nakakahiya naman kung magmama-drama ako.
alam ko na hindi pa ganoon ka-lungkot ngayon pero sa mga susunod pa na araw, unti-unti nang mababawasan ang mga gamit namin. unti-unti nang lilinis ang opisina hanggang sa isa-isa narin kaming mag-alisan at upuan nalang ang matitira. tapos puro alaala nalang ang maiiwan pati yung mesa sa pantry na saksi sa lahat ng mga pagluha at kulitan.
mamimiss ko sila. sobra.
2 comment(s):
sobra. . . :(
pero hindi naman magtatapos ung pagkakaibigan natin. :) mga ninang pa rin kayo ng mga anak ko.
By
jk, at
12:08 PM
korek. ang ganda talaga ng picture mo dito. hehe. pero in fairness, mas mapayat ka sa personal.
By
maries & melody, at
6:39 PM
Post a comment
<< Home