Birthday ko po Ngayon...
Actually, nung November 29 pa ang birthday ko... pero itong stressfull na araw na ito ay nagkaroon ng buhay at saya nung isurpresa ako ng Asmira Girls. Ayos talaga magpalusot ang mga ito. Saba-sabay daw nag-lunch out. Magtatampo pa nga sana ako dahil hindi man lang ako niyayang kumain sa labas. Pagtingin ko nalang wala na silang lahat. Yun pala, bumili sila ng red ribbon na cake para sa akin. Nung hapon na, habang busy ako na nag-aarrange ng records sa ISO, bigla nalang silang kumanta ng Happy Birthday! Medyo delayed reaction pa nga ako kasi akala ko hindi ako yung kinakantahan nila. Birthday din kasi ni Dulce ngayon eh. Yung dati naming kasama sa Asmira. Eto pang si Myra, kumuha pa ng malapad na kandila. Ha ha ha! Syempre, kung iihipan ko yun, dapat malayo sa cake dahil madumi yung kandila. Napulot lang yata ni mai kung saan.
Sa totoo lang, ito talaga yung isa sa nagpapatibay sa Asmira team...ang pagpapahalaga namin sa isa't-isa. Yung pagiging sama-sama namin, sa kalokohan man o sa mga bagay na may katuturan. Sobrang na-appreciate ko yung effort ng grupo. Sana nga kasama ako sa pagpaplano nung surprise eh kaso ako nga pala yung may birthday. I feel blessed to have found a group like Asmira. Sana, kahit matatanda na kami ay huwag magbago ang grupo. Ano kayang itsura nun kung lahat kami may mga tungkod na tapos si MAF ang kinakantahan namin ng Happy Birthday? he he... tapos si pinky parin ang bumibirit...cute.
I love my Asmira Friends.