BuTi NaLaNg ...

Monday, May 16, 2005

eTo Na ...

I’ve updated my scrap book yesterday. Ayos! hindi na sya mukhang “scratch book”. He he! I’ve also started with my wedding plan journal. Medyo mahirap palang magsimula. Nahihirapan pa akong magdecide kung sino ang isasama ko sa entourage. I will talk to my honey later or kung kelan may time so we could finalize the list. I feel like it’s not the right time to talk to my hon about this. Meron kasi syang personal problem. Maybe I should listen to him first. Sa totoo lang, I feel so excited. As in itong tungkol sa plan namin ang isa sa mga nagpapasaya sa araw ko. We’ve no exact date for the wedding because we’re still in the process of saving for the big day. Ganun pa man, mabuti na yung inihahanda ko na yung ibang kailangan para pag nakita ng honey ko, matuwa sya.

To Do : check some wedding invitations to have an idea about the entourage.

Monday, May 09, 2005

MiSsInG mY mOm

I miss my mom. I want to see her and tell her that I love her. I want to see her and greet her on her day. It’s mothers day yesterday. Bakit ngga ba ako nagdadrama ng ganito? Si Kateh kasi eh nakakahawa. Nakita ko kasi na umiiyak sya kaya tuloy naiiyak narin ako.

Nung bata ako,
simpleng sulat lang para kay mommy,
alam kong matutuwa na siya.
Na-iimagine ko na kung paano nya ibibida yun sa mga kaibigan nya.
Ngayon, gusto kong gawin uli yun.
Pero natitigilan ako. Nahihiya ako.
Sulat?
Anong magagawa ng sulat ko? Matutulungan ba sya nun sa pagtitinda nya? Sasaya kaya sya? Alam ko hindi sapat yun. Kaya hindi nalang ako nagpakita sa kanya. Nahihiya kasi ako eh.

Saturday, May 07, 2005

6 & 11

Yesterday, my honey and I celebrated our 6 years and 11 months of togetherness. Isang buwan nalang, seven years na kaming magkasama. At dahil dun, nag-ice skating kami sa Megamall ngayong araw na 'to. Yahoo! Unlimited ice-skating from 12nn to 6pm. Cool! Hindi ako masyadong mabilis at medyo nadudulas pa nga ng konti pero umaandar naman kahit papano. He he! Ang honey ko, aba bigla nalang nawawala sa tabi ko. Nakakarating kung saan-saan pano ba naman marunong na talaga syang mag-roller blades kaya automatically, magaling na syang mag-balance kahit tabachingching sya. Kaya lang sumakit yung arthritis nya. Kawawa naman. Haaayyy! Sana talaga bumalik kami uli dun. Dahil sa susunod na pagpunta ko, hmp! I’ll dance on ice…(ice cubes).

Friday, May 06, 2005

SiMpLeNg BuHaY

I'm learning to adjust at Cic. Haaayy... kakapagod nga lang. I'm trying to do my best everyday. Sana nga walang maging problema or kung magkaproblema man eh maayos agad. Siyempre kahit papano nakakahiya parin sa kanila. Believe it or not, okay naman yung mga kasama ko as in enjoy naman kasi nagtutulungan kami. Ayos din pala ang rin-bee at sacku kahit pa'no. Nga pala, late ako kanina ng 30 or 46 minutes kasi code yellow yung LRT. Nyak! biruin mo, 7am palang nasa monumento station na'ko ng LRT tapos sabi nung babae "epagpaomanhen nyo po. kod yelo po ang el-ar-t. kod yelo po sa blomentret." Ayun! Tapos! Sabi ko nalang, baka may gustong sabihin sa'kin si God na tipong "meg, stop! araw-araw ka nalang nage-LRT. Mamasyal ka naman at matutong mag-appreciate ng ibang bagay sa paligid mo..." at tama nga SIYA. Na-enjoy ko ang malakas na hangin kahit na maalikabok. Natuyuan nga ako ng pawis eh pero enjoy parin...
Nga pala naalala ko, kanina habang naliligo ako, biglang nagbrown-out sa banyo. Memorable 'to kasi hindi ako natakot. He he...medyo nagmadali lang ;)

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)