MaAganG BLooPerS
Nagmamadali na naman kasi akong pumasok kanina. So habang taas-noo akong naglalakad sa tapat ng Jollibee Tayuman, papunta na sana ako ng LRT, bigla nalang akong nadulas with matching pagwag-wag pa ng buhok. haaayyy naku! napa-"sshhhh----t" talaga ako sabay tayo at sabay lakad. May paglingon pa pala akong ginawa dahil tiningnan ko kung ano yung dahilan ng pagkadulas ko. Isa syang balat ng hilaw na mangga. At siguro dahil medyo napa-split yung left leg ko, nahati sa gitna yung balat ng mangga. Hindi naman masyadong malala ang pagkakadulas ko dahil kahit na naka-split yung left leg ko sa harapan, nakaluhod naman yung right leg. Yung isa ko namang kanang kamay ay naka-push sa lupa na parang runner na naghihintay ng go signal. Bloopers talaga. Hindi ko na inayos yung buhok ko, basta pagkatayo ko, dire-diretso nalang akong naglakad at umakyat sa hagdanan ng lrt. Feeling ko, nakita ako nung mga vendors at mga kumakain sa jollibee. Bahala sila. Ang mahalaga, 7:51 am ako nakarating sa office. Hindi ako late ; )
3 comment(s):
anak ng!
kung sino man ung nagtapon ng balat ng mangga.. sana hindi makatulog ng maayos.
pahamak.
buti na lang di ka naka-uniform.. :)
By
jk, at
10:44 AM
ah! ikaw pala yun! mwehehehe.
By
benj, at
12:32 PM
hehehe!
By
maries & melody, at
3:11 PM
Post a comment
<< Home