BuTi NaLaNg ... |
|
Tuesday, August 26, 2008aNToKIlang beses narin itong nangyayari sa'kin kaya naisipan kong gawan ng paraan... Nasubukan mo na bang magdasal sa gabi tapos sa sobrang antok, lumilipad na ang diwa mo hanggang sa makatulog ka na at sa halip na "amen" ay "zzZZnGoRrrrKKK!" na ang lumalabas sa bibig mo. In short, hindi na natapos ang pagdarasal mo. Ako, madalas guilty. Naisip ko nga, hindi naman ako masyadong pagod maghapon pero bakit wala na'kong energy para magdasal sa gabi? Shall I blame the pregnancy hormones? (ayos sanang palusot yun) Nahihiya na'ko sa KANYA...Siguro nage-effort nalang si Lord na basahin ang nasa puso ko kapag alam NIYANG nakatulog na naman ako. Alam ko, ginagawa NIYA yun kasi yung mga bagay na gusto ko ... materyal man o hindi ... kusa nalang dumarating kahit hindi ko nababanggit sa prayers ko. Kaya nga mas lalong nakakahiya. Isang challenge ito sa isang antuking buntis na kagaya ko. Mamaya, susubukan kong mag-focus at mag-concentrate habang nagdarasal para hindi ako talunin ng ANTOK. Kaya ko 'to!
Saturday, January 05, 2008Saturday, November 18, 2006Namimiss Ko Na ...Si PuToL ...Isang asong askal na putol ang buntot na lumaki at tumanda na kasabay namin Isang maamo at mabait na kaibigan na kahit anong oras ako dumating sa bahay, sumasalubong parin sa'akin ... na masayang masaya Para bang ilang taon kaming hindi nagkita at miss na miss nya ako tuwing nagkikita kami Si Putol na iiyak nalang kapag pinapalo ni lola (dahil napagbintangang nangaway ng ibang aso) Na minsan ay lampa dahil nalalaglag pa sa hagdan kahit na apat ang paa Na sisilip lang sa pintuan ng bahay pero hindi naman papasok kasi mas gusto nya sa labas Na gusto pang sinusubuan pag pinakakain ng pandesal Na natuto nalang maligo nung matanda na sya Na ayaw magpahawak ng ilong pero walang magawa kapag napapagtripan ko Isang espesyal na bahagi ng buhay namin ... Isang mapagmahal na kaibigan ... Sayang at hindi na namin sya makakasama... Hindi man lang namin naipagtanggol nung gabing masagasaan sya ... Para nga akong tanga! Iyak ng iyak sa isang aso ... Nanghihinayang dahil wala naman syang sakit tapos ganun lang ang mangyayari. Nagising nalang kami na wala na syang buhay. Hindi ko sya makakalimutan. Ilang araw na ang lumipas nung mawala sya pero nami-miss ko parin sya ; ( Tuesday, September 26, 2006A Ba KA dAPagkagaling ko sa IQA meeting sa Pier 4, nagpaalam na'ko agad sa kanilang lahat. Kahit na medyo umuulan ulan pa, sumugod na'ko kasi kailangan ko talagang magpunta sa PLM. Kaya mga bandang 5pm, nakasakay na'ko ng taxi at medyo pinaringgan ko yung driver na "idaan nyo po kung san madali kasi hanggang 5:30 lang po yung office" ... pero ang totoo hanggang six pm pa naman. Gusto ko lang iparamdam kay manong na urgent yung pupuntahan ko kaya wala na syang time para iligaw ako at iikot kung saan-saan. Hehe. So far, tagumpay naman. Nakarating ako sa Admission Office ng Graduate School of Arts, Sciences & Education. Since ako nalang naman yata ang tao dun, binuksan ko na sa loob ng office yung basa kong payong at iniharang sa daanan para matuyo agad.Pinasa ko yung photocopy ng Transcript ko at nakita ko na naman yung tres ko sa Algebra.Nag-fill out ako ng form para sa admission.So kailangan ko pa palang mag-qualifying exam bago makapagmasteral.hhhmmm... sana naman walang Math yun. Kasi kung may Math yun, magda-drop na'ko agad kahit hindi pa'ko nagpapa-enroll. Hehe.
Saturday, July 01, 2006We'rE LeAviNgeto na yun... nagsimula na kaming mag-turn over ng mga documents na hawak namin. nakakalungkot isipin na maghihiwalay na kaming lahat. mamimiss ko sila. mamimiss ko ang samahan namin. kung ano man ang naghihintay sa aming lahat, sana maganda yun. sana lahat kami magkaroon ng magandang trabaho. sana kahit na magkahiwalay na kaming lahat, kahit na kanya-kanya na, sana ganun parin ang samahan kapag nagkita-kita kami uli. kanina, pinanood namin yung ginawa ni jhake para sa grupo. habang pina-flash yung pictures ng grupo, tinutugtog yung through the years. nalungkot ako pero dinadaan nalang sa biro. pa'no, medyo nakakahiya naman kung magmama-drama ako. alam ko na hindi pa ganoon ka-lungkot ngayon pero sa mga susunod pa na araw, unti-unti nang mababawasan ang mga gamit namin. unti-unti nang lilinis ang opisina hanggang sa isa-isa narin kaming mag-alisan at upuan nalang ang matitira. tapos puro alaala nalang ang maiiwan pati yung mesa sa pantry na saksi sa lahat ng mga pagluha at kulitan. mamimiss ko sila. sobra.
Saturday, May 27, 2006SuNdAy na NamAnExcited na akong gumising bukas dahil pupunta na naman kami sa Novaliches para makasama uli sila Lola, Mama, Bilo, ang mga kamag-anakan kong kapitbahay lang namin at pati narin si Putol (ang matapat naming aso). Sayang nga kasi hindi man lang makakasama si Maries dahil may duty parin sya sa office kahit Sunday. Haayy... Sana magluto si Mama ng pinakbet o kaya ng adobo o kaya ng kahit ano basta gusto ko lang matikman uli yung luto nya kasi masarap. Sana magising din ako ng maaga para hindi ako mabitin sa buong araw.
Friday, May 19, 2006MaAganG BLooPerSNagmamadali na naman kasi akong pumasok kanina. So habang taas-noo akong naglalakad sa tapat ng Jollibee Tayuman, papunta na sana ako ng LRT, bigla nalang akong nadulas with matching pagwag-wag pa ng buhok. haaayyy naku! napa-"sshhhh----t" talaga ako sabay tayo at sabay lakad. May paglingon pa pala akong ginawa dahil tiningnan ko kung ano yung dahilan ng pagkadulas ko. Isa syang balat ng hilaw na mangga. At siguro dahil medyo napa-split yung left leg ko, nahati sa gitna yung balat ng mangga. Hindi naman masyadong malala ang pagkakadulas ko dahil kahit na naka-split yung left leg ko sa harapan, nakaluhod naman yung right leg. Yung isa ko namang kanang kamay ay naka-push sa lupa na parang runner na naghihintay ng go signal. Bloopers talaga. Hindi ko na inayos yung buhok ko, basta pagkatayo ko, dire-diretso nalang akong naglakad at umakyat sa hagdanan ng lrt. Feeling ko, nakita ako nung mga vendors at mga kumakain sa jollibee. Bahala sila. Ang mahalaga, 7:51 am ako nakarating sa office. Hindi ako late ; )
|
|
| Powered by TagBoard Message Board |