A mOmEnT tO reMemBer

Umaga palang, sinabi ko na sa sarili ko na kapag natapos na ang exam ay magse-celebrate ako mamayang gabi. Masakit kasi sa ulo ang magreview kaya it's time for me to reward myself. Kaya pag-uwi ko ng bahay, isinalang ko agad sa DVD ang "A Moment to Remember". Nangako kasi ako kay Kateh na panonoorin ko agad ito kaya kahit na alam kong may darating na bisita si Maries, hinayaan ko syang mag-asikaso sa kusina at magluto ng chicken tocino, fried chicken at chicken balls ( hindi rin kami mahilig sa chicken he he he... ).
A Moment To Remember
Hindi ko natapos yung panonood ko ng "A moment..." dahil dumating na nga ang mga bisita ( rex & rosette ) kaya pinanood muna namin yung "Honey". In fairness, masarap yung niluto ni Maries lalo na yung fried chicken kahit na medyo kasing tigas ng goma yung chicken tocino ( hehe... )
Ang ganda nung "Honey" na movie. Maaksyon. Puro sayaw kaya hindi ako nainip habang pinanood ko. Ang sexy ni Jessica Alba at ang cool magsayaw. Wish ko lang ganun din ako pero sa ngayon, kakayanin ko nalang ang magsayaw tuwing christmas party with the "emmanuel singers" ; )
Ipinagpatuloy ko yung panonood nung "A Moment to Remember" hanggang hatinggabi. Isa lang ang masasabi ko, ang bigat sa dibdib! Sobrang nakakaiyak at saka pagdadrama ko ay humihikbi talaga ako sa harap ng tv habang si Maries naman ay abalang abala sa paglalaro ng NBA live sa pc.
Naisip ko nga, nakakalungkot kung mangyayari sa akin o isa sa mga mahal ko sa buhay ang nangyari sa pelikula. Kaya bigla ko ring naalala ang blog ko. Kailangang i-update ko ito lagi para maisulat ko ang mga importanteng pangyayari sa aking buhay para naman mairecord ko ang mga magagandang alaala sa aking buhay.
Inirerekumenda ko ito na panoorin ng mga pips dahil may matututunan silang aral... " habang ikaw ay malakas at nabubuhay, sabihin at ipadama mo ang iyong pagmamahal "
2 comment(s):
sobrang panalo di ba?! =) buti naman at di ka nag sisi sa panonood nito kahit paga ang mata mo buong araw kinabukasan. hehehe.. may ipapa nood pa ako sayo. nakakaiyak din pero di sobra sobra.
By
jk, at
9:19 AM
sige lang. basta papanoorin ko yun sa linggo ng umaga para humupa agad ang pamamaga ng mata ko at hindi mahalata sa lunes. ayos ba.
By
maries & melody, at
9:57 AM
Post a comment
<< Home