BuTi NaLaNg ...

Tuesday, July 19, 2005

DaLaWaNg GoLd Fish At Si BaBy BeAr

Nasubukan mo na bang magka-aquarium sa bahay? syempre yung may tubig, may bubbles, pebbles at higit sa lahat may isdang lumalangoy. Hah! Kami meron nang aquarium. Binigyan kasi yung utol ko ng mga isda ng classmate nya kaya napagisipan nyang hingiin nalang yung aquarium sa kabilang bahay at lagyan ng tubig. Successful naman so far. Buhay ang tatlong isda. Bale isang panget, maliit at matapang na isdang kulay gray at dalawang tabachoy ngunit maliit din na mga gold fish. Nung una akala ko, talagang mailap lang ang mga gold fish dun sa maliit na pangit na gray fish na tatawagin nalang natin sa pangalang Baby Bear (ewan ko ba kay utol kung bakit iyun ang binigay na pangalan eh hindi naman bagay). Sa tuwing lalapit si Baby bear sa dalawang bochog na gintong isda, eh natataranta ang mga ito. Kahapon ko lang natuklasan na sobrang tapang pala ni Baby bear. Mabilis syang lumangoy at masama ang ugali nya. Akalain mo ba namang sa liit nyang iyon eh nangangagat siya ng gold fish. Tsk! Kahapon ko lang natuklasan pero medyo huli na ang lahat. Yung isang cute na gold fish, isa nalang ang palikpik. Kawawa naman. Kaya naman pala patagilid lumangoy at laging nasa itaas ng tubig eh hindi pala makalangoy ng maayos. Naawa talaga ako. Buhay pa naman sya pero para na syang si Nemo. Naiinis talaga ako kay Baby bear. Kung hindi nga lang alaga ng utol ko yun, hmp! goodluck sa kanya. Sa sobrang awa ko nga pala sa dalawang cute na gold fish, ipinalipat ko sa isang maliit at bilugang aquarium. Wala nga lang bubbles at pebbles pero oks narin yun kaysa naman papakin sila nung isdang si Baby bear. At dahil nakonsensya si utol sa ginawa nyang pagkonsinte sa pangangagat ng isda nyang panget, pinamigay nya nalang sa kabilanng bahay yung dalawang gold fish. Nakakamiss nga eh pero atleast wala nang problema.
Minsan ganun din dapat ang ginagawa sa personal na buhay, kapag feeling mong toxic na yung mga friends mo, trabaho o relasyon -- ilayo mo muna ang sarili mo at syempre mag-isip isip. Maraming Baby bear sa mundo pero i'm sure, kahit na maraming ganun, meron namang isang gold fish na handang samahan at damayan ka kahit wala na yung isang palikpik mo. sino yun? ikaw lang makakasagot nun.

2 comment(s):

isang Baby bear ang pangalan. ayos.

By Blogger jk, at 1:06 PM  

pinky: ang galing mo talaga meg, sobrang na-a-appreciate mo kahit na maliliit na bagay...saludo ako sa'yo frend... =)

By Blogger pinky, at 2:39 PM  

Post a comment

<< Home

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)