SiX oNe!!!
Kung minsan talaga, may mga pagkakataong sobrang paulit-ulit nalang ang nagyayari sa buhay ng tao. Gigising, babangon, maliligo, magbibihis, mag-aayos sa salamin at lalayas papuntang office. Buti nalang may isinisingit si God na maliliit na pagkakataon para magbigay ng ngiti sa taong bored ... July 15 ng umaga habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin, si lola naman ay nakaupo sa sofa sa likuran ko at si Bilo ay nasa labas na at nag-aabang ng service nya papuntang school...Biglang sumilip si Bilo (na nasa labas) sa loob ng bahay at tumingin sa orasan ...
Bilo: (pagkatingin sa orasan eh isinigaw kay mama sa labas kung anong oras na..)
Bilo : SIX - ONE!!!! (sabay sibat)
Sabay kaming napatingin din ni lola sa orasan at mula sa salamin eh nagkatinginan kami ni lola sabay tawa .... eh pa'no, ang tamang oras ay SIX-FIVE (6:05AM). Etong little sis ko, kailangan ng Reading Time 101. Nine years old na sya and she's turning 10 this August. Nalito lang siguro dahil nakaturo yung malaking kamay ng relo sa number 1. he he...

Ha ha ha... At least napangiti nya kami ni lola sa akala naming simpleng araw lang.
1 comment(s):
hahaha!
panalo talaga si bilo sa mga hirit. maliit na ikaw.
By
jk, at
5:17 PM
Post a comment
<< Home